Napapanahon na umano para magkaroon ng isang ahensya na mangangasiwa sa mga water concessionaires.
Sa ginawang oversight hearing sa Kamara, sinabi ni Local Water Utilities Administration Administrator Jeci Lapuz na ang pangmatagalang solusyon pa rin sa krisis sa tubig ay ang pagtatayo ng Department of Water.
Paliwanag nito, mayroong 32 water agencies sa bansa na kanya-kanyang isip sa mga polisiya na kailangang ipatupad lalo na kapag may problema sa tubig.
Sa ilalim ng Department of Water ay pag-iisahin ang lahat ng mga water agencies upang matiyak na magiging isa na lamang ang hakbang at solusyon ng pamahalaan sa problema sa water shortage.
Samantala, sa update ng ni Engr. Ramoncito Fernandez ng Maynilad sinabi nito na gumagana na ang kanilang dalawang Putatan, Muntinlupa Plant na nakapagdadagdag ng suplay ng tubig sa Metro Manila.
Sinabi naman ni Engr. Ferdinand Dela Cruz ng Manila Water na mayroon silang karagdagang 135 to 140 milyon liter na pinagkukunan ng tubig kada araw mula naman sa Cardona plant sa Rizal at sa kanilang deep well.