Nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello ang department order na nagpapalawak sa compulsory insurance coverage para sa rehires at direct hires na Overseas Filipino workers (OFWs).
Ayon sa DOLE, 32% mula sa 10 million OFWs na hired ng recruitment agencies ang sakop ng insurance.
Ito ay may katumbas na halos 70% ng Filipino migrant workers na unprotected at vulnerable sa ibat ibang panganib sa kanilang pinagta-trabahuhang bansa.
Sa ilalim ng department order, ang bawat migrant worker ay sakop ng compulsory insurance policy at walang dapat ikaltas sa kanila.
Sa halip, ang manning o recruitment agencies ang magbabayad ng insurance.
Facebook Comments