Tumaas ang bilang ng mga pasaherong dumarating at umaalis ng Ninoy Aquino Interantional Airport (NAIA) sa unang kalahati ng Disyembre.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, apat na 4% ang itinaas ng passenger Arrivals at Departures sa Terminal 1, 2, at 3 sa Dometic at International Flights.
Mula December 1 hanggang 15, 2019, umaabot na sa 1,946,338 pasengers ang kanilang naitala.
Mataas ito kumpara sa 1,866,436 na pasahero noong nakaraang taon.
Sinabi ni Monreal na inaasahang dodoble pa ang bilang na ito sa katapusan ng buwan.
Pinapayuhan ng MIAA ang mga pasahero na dumating sa airport ng dalawang oras bago ang kanilang Scheduled Domestic Flight habang tatlong oras naman sa International Flight.
Facebook Comments