DepEd 7, kinondena ang magkasabay na bomb threat sa ilang paaralan sa Cebu

Cebu – Kinondena ng ilang mga opisyal sa Cebu ang bomb scare sa mahigit limang mga paaralan at sa mismong tanggapan ng Department of Education (DepEd) sa lungsod ng Cebu.

Ayun kay Department of Education -7 Regional Director Juliet Jeruta, dapat na managot ang responsable sa nasabing bomb threat na nagresulta sa pag-panic ng maraming mga estudyante at kanilang mga magulang kahapon.

Dahil sa sabay-sabay ng bomb threat, kaagad na kinansela ng DepED ang klase sa mga public elementary at high school sa lungsod ng Cebu.


Iminungkahi naman ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña ang pagbuo ng security group sa bawat paaralan, para maiwasan ang ganitong mga insidente.

Facebook Comments