DepEd, aminado hindi sapat ang computer set para sa online education

Aminado ang Department of Education (DepEd) na hindi sapat ang computer para sa lahat ng 22 milyong mag-aaral sa buong bansa.

Matatandaang sinabi ng kagawaran na gagamit ng online platforms para turuan ang mga estudyante sa gitna ng coronavirus pandemic.

Ayon kay Education Undersecretary Alain Pascua, hindi kakayanin ng ahensya ang 1:1 (one-is to-one) ratio o isang computer sa kada isang estudyante.


Sinabi ni Pascua, na ang kanilang imbentaryo ay tinatayang nasa isang milyon pa lamang.

Tiniyak naman ng DepEd na sinisilip nila ang iba pang paraan ng pagtuturo sa kabila ng mahirap na pagpapatupad ng online education.

Facebook Comments