DepEd aminado na wala pang mga libro na susuporta sa K12 program

Aminado ang Department of Education (DepEd) na wala pang mga libro na susuporta sa bagong curriculum sa ilalim ng K12 program.

Sa isang news forum sa Quezon City, sinabi ni Undersecretary Tonisito Umali na lahat ng mga asignatura mula kinder hanggang senior high school ay kumpleto sa libro ang bawat mga batang mag-aaral.

Kung may kakulangan man sa libro, ito ay ang mga special subjects sa ilalim ng K12 program.


Tinukoy na dahilan ni Umali ng kawalan ng mga author na nagsulat sa manuscript ng mga libro sa special na asignatura.

Kung mayroon man aniyang sumali ay hindi naman nakapasa sa kaukulang review ng mga eksperto.

Gayunman, tiniyak ng pangalawang kalihim na mayroon namang learners material ang mga estudyante na magagamit sa pag-aaral.

Facebook Comments