
Aminado ang Department of Education (DepEd) na bumagal ang pagtatayo ngayong taon ng mga silid-aralan.
Ayon sa DepEd, ito marahil ay dahil sa mabigat ang workload ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH), bukod sa late ang paglabas ng budget at nagkaroon ng pagpapalit ng liderato ng nasabing ahensiya.
Una nang nadismaya si Senador Bam Aquino dahil 22 pa lamang ang classrooms na naitayo ngayong taon.
Sa kabilang dako, iniulat ng DepEd na mula July 2022 hanggang July 2025, nakapagpatayo ang education department at ang DPWH ng 22,092 classrooms sa buong bansa.
Bunga nito, nabawasan ang backlog mula sa 165,443 ay 146,708 na lamang.
Iginiit din ng DepEd na sa ilalim ng 2026 budget, mas mapapabilis na ang pagtatayo ng mga silid-aralan dahil hindi lamang ang magpapatupad nito, kundi maging ang DepEd, local government units, at ang kanilang partners tulad ng AFP sa pamamagitan ng Public-Private Partnerships.









