DepEd, aminadong higit 2 milyong estudyante lamang ang nakabalik sa private schools

Nasa kalahati lamang ng kabuuang bilang ng mga estudyanteng nag-aaral sa pribadong eskwelahan ang nakabalik ngayong School Year 2020-2021 sa harap na rin ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF), sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na nasa 2.1 million na estudyante lamang ang naka-enroll sa private schools, na 50% lamang mula sa kabuuang bilang noong nakaraang School Year.

Bukod dito, bumaba rin ng 52% ang enrollment sa Alternative Learning Systems (ALS) para sa working students at out-of-school youth.


Naniniwala ang kalihim na marami ang hindi nakapag-enroll sa private schools dahil marami rin ang nawalan ng trabaho para maipangtustos sa pag-aaral bunga ng pandemya.

Pero kumpiyansa si Secretary Briones na sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya, marami muli ang makakapagtrabaho at magagawa nang mai-enroll ang kanilang mga anak sa private schools.

Nabatid na nasa higit 24 milyong estudyante ang naka-enroll sa basic education system ngayong School Year at 22.5 million ay mula sa public schools.

Facebook Comments