DepEd, aminadong mahirap ang blended learning

Aminado ang Department of Education (DepEd) na mahirap ipatupad ang blended learning.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang blended learning kasi ay pinaghalong iba’t ibang learning approach.

Dagdag pa ng kalihim, hamon din ang learning environment lalo na sa mga magulang at guro.


Ang blended learning aniya ay hindi kumpleto.

Aniya, sa mahabang panahon ay nasanay ang bansa sa pagpapatupad ng programang pang-edukasyon na nangangailangan ng face-to-face set-up.

Gayumpaman, ang pagpapasara sa mga eskwelahan ay hindi naging option ng kagawaran.

Facebook Comments