Nagkukulang na ng guidance counselors na tutulong sa mga estudyanteng makabangon ngayong COVID-19 pandemic.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Diosdado San Antonio, nahihirapan ang ahensya na mag-recruit ng professional guidance counselors dahil sa mababang sahod at mahigpit na minimum requirements tulad ng master’s degree.
Bagamat agresibo ang pamahalaan sa pagbibigay ng oportunidad para sa professional guidance counselors, kulang pa rin aniya ang manpower.
May ilang guro din ang nagsisilbi munang guidance counselors.
Nakikipagtulungan na ang DepEd sa Department of Budget and Management (DBM) at Civil Service Commission (CSC) para resolbahin ang isyu.
Facebook Comments