Manila, Philippines – Pinagsasagawa ng sariling job fair o pinagagawa ng job portal ng ilang mga kongresista ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) para sa mga graduates ng senior high school at college.
Ayon kay 1-ANG EDUKASYON Partylist Representative Salvador Belaro, aabot sa 1.35 million na mga senior high school at college ang graduates ngayong taon.
Dapat lamang aniya na magkaroon ng jobs fair o job portal ang DepEd at CHED kung saan dito ipapasa at ipo-post ng mga graduates ang kanilang resume na maaari namang ma-access agad ng mga employers para sa mga mapipili sa job screening.
Kung magagawa ito ay mapapadali din ang school-to-work at school-to-entrepreneurship ng mga estudyante.
Ang online portal ay maaari ding maging one-stop-online-shop ng SSS, PhilHealth at BIR at iba pang pagkuha ng clearance mula sa NBI at PNP.
Hinimok din ang mga paaralan na turuan ang mga mag-aaral ng paggawa ng resume at cover letter para sa pag-a-apply ng trabaho.