DepEd at DOH, bubuo ng guidelines sakaling ibalik ang face-to-face clases

Magkasamang bubuo ng guidelines ang Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) para sa muling pagbabalik ng face-to-face classes para sa basic education.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, nagsasagawa na sila ng ilang inisyatibo bilang paghahanda sakaling payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pilot implementation ng limited face-to-face classes.

Kapag nabuo na ang guidelines, ipiprisenta ng DepEd at DOH ito sa Inter-Agency Task Force (IATF).


Layunin ng guidelines na masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa pagsasagawa ng in-person classes.

Nilalaman ng joint guidelines ay education objectives at public health standards.

Facebook Comments