DepED at LGU Cauayan, Handang handa na sa pagdaraos ng CAVRAA 2020!

52

*Cauayan City, Isabela*- Handang handa na ang iba’t ibang kinatawan ng DepED sa buong lambak ng Cagayan maging ang lokal na pamahalaan ng Cauayan para sa darating na Cagayan Valley Regional Athletic Association o CAVRAA 2020 sa darating na Pebrero na punong abala ay ang nasabing lungsod.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay DepEd Assistant Regional Director Arnulfo Balena, handang handa na ang mga kinatawan ng DepEd para sa nasabing aktibidad. Aniya, matutunghayan din ang Mr. & Ms. CAVRAA 200 at Cheerdance Competition.


Ayon naman kay City Mayor Bernardy Dy, bagama’t kinakabahan siya dahil ito ang kauna-unahang pagiging punong abala ng lungsod ay masaya pa rin ito sa pagdaraos ng nasabing aktibidad.

Inaasahan naman na magiging panauhing pandangal sa nasabing aktibidad si Senator Pia Cayetano, Chairman ng Ways and Means Committee at iba pa gaya ni Senator Manny Pacquiao upang magbigay inspirasyon sa mga atleta.

RMN Cauayan, 98.5 iFM Cauayan, City Mayor Bernard Dy, LGU Cauayan, DepED Region 2, Schoold Division of Cauayan City, Luzon, SDO Isabela

Facebook Comments

From Advertisers