DepEd, bubuo ng Task Force para sa nCoV

Manila, Philippines – Bubuo ng Task Force ang Department of Education (DepEd) para sa novel coronavirus (nCoV) upang i-address ang mga concern at hamon sa mga paaralan kasunod ng kumpirmasyon na mayroon na nito sa bansa.

Ayon kay Education Undersecretary Atty. Nepomuceno Malaluan, nagkaroon ng pag-uusap ang mga miyembro ng executive committee ng ahensya at napag-usapan ang pagbuo ng Task Force sa nCoV.

Ang bagong Task Force sa nCoV ay pamumunuan ni Briones, kasama ang mga undersecretaries para sa field operations, administration, and legal bilang mga miyembro kung saan palagian silang makikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH).


Sinabi pa ni Malaluan na ang unang hakbang ng Task Force ay ang agarang paglalabas ng mga advisory gayundin ang paggawa ng mga guidelines at protocols para ma-monitor at maiwasan ang pagkalat ng virus.

Siniguro naman ni Malaluan na susundin nila ang guidelines ng DOH at ng World Health Organization (WHO) para sa ilang preventive measures.

Magiging maingat din daw ang DepEd sa paglalabas mg anunsiyo sa publiko hinggil sa nCoV upang hindi mag-panic ang publiko partikular ang mga guro at mga estudyante.

Facebook Comments