DepEd, bukas sa in-kind donations para sa mga estudyante at school personnel na naapektuhan ng bagyo

Bukas ang Department of Education (DepEd) na tumanggap ng donasyon para sa mga estudyante, teaching at non-teaching personnel na nasalanta ng mga nagdaang kalamidad sa bansa.

Ayon kay Education Undersecretary for Legislative Affairs, External Partnerships at Project Management Service Tonisito Umali, hinihikayat nila ang publiko na magpa-abot ng donasyon sa mga biktima ng bagyo.

Mas makabubuti kung in-kind donations at iniiwasan nilang tumanggap ng anumang monetary donations.


Pinayuhan din nila ang mga donors na idala ang mga tulong sa kanilang Central Office.

Mas kailangan ngayon ng mga apektadong kababayan ang kumot, tuwalya, unan, damit, sabon at pagkain at tubig.

Facebook Comments