DepEd, bumili ng ₱2.4-B halaga ng mamahalin at outdated na laptops para sa mga guro noong 2021 ayon sa COA

Inihayag ng Commission on Audit (COA) na bumili ang Department of Education (DepEd) ng ₱2.4 bilyong halaga ng mamahalin ngunit outdated na laptops para sa mga guro noong 2021.

Ayon sa COA, binili ng DepEd ang mga ito sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget (PS-DBM) sa halagang ₱58,300 kahit ang estimated price na unang inaprubahan ay aabot lamang sa ₱35,046.50 kada unit.

Dahil dito, aabot sa 28,917 guro ang napagkaitan ng laptop units na magiging malaki ang tulong sana sa pagpapatupad ng online classes.


Sinabi rin ng COA na ang ₱2.4 bilyon na nabanggit ay nananatiling unliquidated dahil sa kabiguang makapagsumite ng PS-DBM ng mga supporting document.

Kaya ayon sa ahensya ay dapat magpaliwanag ang DepEd kung bakit ito pumayag sa ₱58,300 na halaga ng kada unit ng laptop kahit ang unang naaprubahang halaga ay aabot lamang sa ₱35,046.50.

Sa ngayon, wala pang komento ang DepEd hinggil dito.

Facebook Comments