Cauayan City, Isabela- Maayos pa rin ang pamamalakad sa sistema na pinaiiral ng Kagawaran ng Edukasyon sa Lungsod ng Cauayan sa kabila ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.
Tuloy pa rin ang isinasagawang blended learning sa mga mag-aaral tulad ng modular at online class, at pakikinig sa radyo.
Nananatili pa rin ang work from home arrangement ng mga guro sa Lungsod lalo na sa mga may edad at karamdaman.
Sakaling maibaba na sa Alert Level 2 ang status ng Lungsod ay ipagpapatuloy ang pilot testing ng face-to-face classes sa mga kwalipikadong paaralan sa Cauayan City.
Samantala, pinaghahandaan rin ng Kagawaran ang nalalapit nilang ika-17 Founding Anniversary sa Pebrero 28, 2022 kung saan inaasahan sa naturang aktibidad ang ilang matataas na opisyales ng Cauayan City ganun din sa DEPED Regional Office.
Facebook Comments