DepEd Central Office, mariing kinondena ang shooting incident sa isang paaralan sa Nueva Ecija na ikinasugat ng dalawang estudyante

Nanawagan ngayon ang Department of Education o DepEd sa kanilang community partner na higpitan pa ang seguridad sa mga paaralan kasunod ng shooting incident sa isang paaralan sa Barangay Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija na ikinasugat ng dalawang estudyante.

Sa statement na inilabas ngayong umaga, mariing kinondena ng DepEd ang karahasan sa Sta. Rosa Integrated School sa Nueva Ecija.

Kasabay nito, nanindigan ang DepEd sa kanilang commitment na protektahan ang kapakanan ng bawat estudyante, guro at school personnel at nais nilang maging sagrado ang mga paaralan para maging ligtas ang lahat.

Hindi raw katanggap-tanggap ang ano mang karahasan lalo kung nangyari ito sa loob mismo ng paaralan.

Kasabay nito, pinuri naman ng DepEd Central Office ang mabilis na pagresponde ng Schools Division Office ng Nueva Ecija para maimbestigahan ang krimen.

Sa ngayon, nasa kritikal na kondisyon ang biktimang 15 years old na babaeng estudyante matapos barilin ng sinasabing dati nitong nobyo na 18-anyos.

Facebook Comments