Kinumpirma pamunuan ng Department of Education (DepEd) na kanilang isasara pansamantala ang opisina ng DepEd Central Office ng apat na araw.
Batay sa inilabas na pahayag ng Kagawaran, simula ngayong araw isasara ang opisina ng DepEd Central Office hanggang Agosto 23 ngayong taon dahil sa banta na dala ng COVID-19.
Hindi naman sinabi ng DepEd kung meron nagpositibo sa COVID-19 ang naturang opisina, maliban sa sinabi nitong magsasagawa sila ng disinfection at contact tracing upang matiyak na ligtas ang mga manggagawa ng ahensya laban sa COVID-19.
Pero, tiniyak naman nito na hindi apektado ang mga operasyon ng Kagawaran dahil nagpapatupad naman ito ng work-from-home arrangement at siniguro rin na hindi maaantala ang kanilang financial obligation sa mga manggagawa nito.
Ang nasabing hakbang ay inirekomenda ng DepEd Task Force for COVID-19 at aprubado naman ni Secretary Leonor Briones.