DepEd, CHED, at TESDA, bumubuo na ng solusyon kaugnay ng mga nawalang araw ng mga estudyanteng naapektuhan ng sunud-sunod na kalamidad

Nagsagawa ng Joint National Management Committee (ManCom) meeting ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para pag-aralan ang pagtugon sa mga araw na nawala sa mga estudyanteng naapektuhan ng sunud-sunod na kalamidad.

Ito ay magsagawa ang site visit at assessment na ginawa ng DepEd sa Bogo City, Cebu na matinding tinamaan ng lindol.

Kabilang sa natalakay ng tatlong ahensiya ang pagpapatibay ng kolaborasyon sa pagitan ng publiko at pribadong sektor, at pagtiyak na may mapapasukang trabaho ang mga nagtapos sa iba’t ibang antas ng edukasyon.

Dumalo rin sa pulong ang ilang industry partners at nagpaabot ng pakikipagtulungan sa pamahalaan at pribadong sektor para sa pagpasok sa mga nagsipagtos sa mga kompanyang nangangailangan ng workforce.

Facebook Comments