DEPED DAGUPAN, NAGLABAS NG PAHAYAG HINGGIL SA PAGKAKA ARESTO NG ISANG GURO NA NAHULIHAN NG 1.2 MILYON SHABU

Naglabas ng Opisyal na pahayag ang DepEd Dagupan City Division hinggil sa pagkaka aresto ng Isang guro sa lungsod matapos mahulihan ng 1. 2 milyong halaga ng shabu.

Ayon sa ahensya, nangyari Umano ang insidente sa labas ng paaralan at walang kinalaman ang mga estudyante o ang institusyong pinagtuturuan ng guro.

Anila, seryosong usapin Umano ito na lubhang nakakaapekto sa komunidad ng edukasyon. Dahil dito, tiniyak ng DepEd ang buong pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa mga awtoridad para sa masusing imbestigasyon.

Binigyang-diin ng ahensya ang kahalagahan ng counseling at suporta para sa mga estudyante at iba pang kasapi ng paaralan upang mapanatili ang kaayusan sa mga paaralan.

Magsasagawa rin ng kaukulang hakbang ang tanggapan upang matiyak na hindi maaapektuhan ang operasyon ng mga paaralan at upang mapanatili ang ligtas at maayos na kapaligiran ng pagkatuto.

Noong ika- 8 ng Abril, ikinasa ng awtoridad ang search warrant sa bahay ng suspek na guro kung saan nasamsam ang illegal na droga. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments