DepEd, dapat aktibong makilahok sa pediatric vaccination

Hinimok ni Committee on Basic Education Chairman Senador Win Gatchalian ang Department of Education o DepEd na magkaroon ng maigting na pakikilahok sa pediatric vaccination laban sa COVID-19.

Tinukoy ni Gatchalian, na base sa datos ng Department of Health (DOH) ay nasa mahigit 736,000 pa lamang ang kabataang may edad na lima hanggang labing-isa ang fully vaccinated laban sa COVID-19 hanggang nitong Marso 25.

Ayon kay Gatchalian, malayo pa ito sa 15.56 milyong kabataan sa naturang age group na balak bakunahan ng DOH.


Ayon kay Gatchalain, mas mapapadali ang pagtukoy, pag-organisa, at pag-monitor ng mga mag-aaral na maaari nang makatanggap ng COVID-19 vaccine kung aktibong lalahok ang mga paaralan sa pediatric vaccination program ng gobyerno.

Diin ni Gatchalian, kung mababakunahan ang ating mga kabataan laban sa COVID-19, ay hindi lamang matitiyak ang ligtas nilang pagbabalik sa face-to-face classes kundi makakatulong din ito, sa muling pagbangon ng sektor ng edukasyon at ng buong ekonomiya ng ating bansa.

Facebook Comments