Iginiit ng pamunuan ng Department of Education o DepEd na hindi lumabag ang Ramon Magasaysay School sa Quezon City sa 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease o (2019 nCoV ARD) memorandum matapos itong magsagawa ng isang aktibidad para sa mga Grade 9 students.
Ayon kay DepEd Undersecretary Alain Pascua na hindi kasama sa nasabing memorandum ang pagsagawa ng interschool activity.
Ang tanging ipinagbawal lang anya ay ang pagsasawaga ng national, regional at division activities dahil magtitipon-tipon ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan ng bansa, na iniwasan na magyari para mapigil ang pagkalat ng sakit o ng 2019 nCoV ARD.
Dagdag pa niya na ang ginawa ng sabing paaralan ay para lamang sa kanilang mga estudyate at walang ibang mag-aaral na galing sa ibang lugar o paaralan.
Ang nasabing memorandum ay ginawa para mapigilan ang pagkalat ng nasabing virus, kung saan ilang national activies na ng DepEd ngayong buwan ang kinansela.
Nitong Lunes, nagsagawa ang Ramona Magsaysay School ng Anti-drug campaign para sa kanilang mag-aaral na Grade 9 student, ito ay dinaluhan naman ng mga tauhan mula sa Philippine National Police (PNP) at isang opisyal mula sa DepEd.