DepEd, DOST at Comelec lumagda sa isang kasunduan para sa malinis na halalan

Tinitiyak ng tatlong ahensiya ng gobyerno na magkakaroon ng maayos at malinis na halalan, makaraang lagdaan ng Department of Education (DepEd), Department of Science and Technology (DOST) at Commission on Elections (Comelec) ang isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa darating na 2022 National at Local Elections sa Mayo 9.

Base sa nilagdaang MOA, nakatuon ang DepEd sa pagbibigay ng listahan ng mga gurong magsisilbing miyembro ng Electoral Board samantalang pangungunahan naman ng DOST ang pagbibigay ng pagsasanay at certification sa kanila sa ilalim ng Automated Election Law.

Tinitiyak ng mga naturang ahensiya na sasailalim sa Electoral Board members sa Training at Examination para sa pagamit ng vote counting machine at iba pang proseso sa eleksyon.


Sa kanyang mensahe, ipinahatid naman ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones ang kaniyang pasasalamat sa Comelec na payagan ang pagtaas ng compensation ng mga gurong lalahok sa eleksyon.

Facebook Comments