DepEd El Salvador City ng Misamis Oriental, gumagawa na ng mga hakbang para sa E-learning

Inihayag ng pamunuan ng Department of Education o DepEd na ang Region office nito sa Lungsod ng El Savador ng Misamis Oriental, na tuloy ang paghahanap ng mga paraan upang maituloy ang edukasyon at mapagaan pa rin ang pag-aaral ng mga learners sa gitna ng COVID-19.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones ang DepEd EL Salvador ng Misamis Oriental ay unti-unti nang lumilipat sa online o E-learning modality.

Ito ay sa pamamagitan aniya ng El Salvador, Grow, Educate, Manage (ELSA GEM) program.


Isa sa mga layon aniya nito ay ang mamigay ng mga tablet sa mga Grade 6 learners.

Sinabi ni Briones, ngayong School Year 2021-2022, 15 paaralan ang benepisyaryo ng programa kung saan mayroon nang 1,123 tablets ang naipamigay, kung saan laman nito ang ang mga Self-Learning Modules (SLM) para sa mga mag-aaral sa Kinder hanggang Grade 12

Ang pondo aniya na pinambili ng nasabing mga tablets ay mula sa mula sa Basic Education – Learning Continuity Plan (BE-LCP) fund for learning materials, Special Education fund ng DepEd El Salvador, at sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments