Binuksan na ng Department of Education (DepEd) ang kanilang Election Task Force (ETF) and monitoring center.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones – inaatasan ang central office, regional at city division offices, maging ang mga paaralan na bumuo ng task force na tutulong sa election duties ng public school teachers.
Ang DepEd Election Task Force and Monitoring Center ay ipatutupad sa May 12 hanggang 15, mula ala-1:00 hanggang alas-5:00 ng hapon.
Ang ETF ay magsisilbi ring institutional link ng DepEd sa volunteer organizations, individuals at partner agencies.
Ang DepEd ay isa sa national agencies na kinakatawan ng Commission On Elections (Comelec) para matiyak ang malinis at mapayapang election, sa pamamamagitan ng pagtatalaga sa mga public school teacher na magsisilbing chairpersons at miyembro ng electoral board, maging sa technical support personnel.