Nakahandang gastusin lahat ng Department of Education (DepEd) ang P1 billion na pondo sa pagbili ng mga telebisyon, speakers at laptops na ipapamahagi sa mga pampublikong paaralan bilang pang-suporta umano sa ‘blended learning’ sa ‘expansion phase.’
Ayon kay DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, naghanda ang ahensiya ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) budget allocations upang ipatupad ang Coronavirus disease 2019 safety measures sa mga paaralan at maglaan ng learning materials para sa blended learning.
Sinabi naman ni DepEd Secretary Leonor Briones, inilaan din ang P1 billion bilang ‘support funds’ sa lahat ng public schools nationwide na makikibahagi sa ‘progressive expansion’ ng limited face-to-face classes.
Ang progressive face-to-face ay bahagi ng blended learning na pinasimulan noong February.
Inaasahan ng ahensya na mas lalong dadami ang schools na sasali dahil sa ibinaba na ang alert level sa National Capital Region (NCR) at Alert Level 2 naman sa ibang lugar.