Pataas ng pataas ang bilang ng mga sumbong ng pambu-bully sa paaralan base sa datos ng Department of Education (DepEd).
Maituturing na bully kapag paulit-ulit na ginawa ng isang estudyane sa kapwa ang pang-aabuso sa isip at katawan o nakakapag dulot ng kahihiyan.
Ayon kay DepEd Undersecretary Jesus Mateo, isa ito sa kanilang tinututukan lalo at mayroon na ngayong cyber-bullying.
Noong school year 2013-2014, 1,190 insidente ang kanilang naitala habang noong 2017 umabot ito sa higit 22,000 sumbong kung saan sa Metro Manila ang pinakamarami.
Dahil dito nakipag-ugnayan na sila sa ahensya para mapag-develop ng online application kung saan pwede magsumbong ang mga estudyante.
Inatasan naman ang mga paaralan na mabuo ng child protection committee na mag-iimbistiga sa sumbong at gagawa ng kaukulang aksyon.
Isasalang sa guidance counseling ang bullied, community work, gender sensitivity workshop at suspension.