18 milyon na mga Pilipino ang hindi na tinapos ang kanilang pag-aaral base sa datos ng Department of Education (DepEd).
Kabilang sa dahilan ay ang pag-aawasa na may 37%, 24% ang walang gana mag-aral, 18% ang bitin ang pera para masuportahan ang pag-aaral, 7.8% ang dahil sa sakit at kapansanan, 8% ay nagtrabaho na, 9% ang walang available na paaralan at 3.3% ang may iba pang kadahilanan.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, para masolusyunan ito mas pinaganda pa nila ang alternative learning system (ALS) at ngayon ay nagdagdag ng education skills and training o ALS-EST.
Bukod sa basic education mahahasa na rin ang kakayanan ng estudyante dahil sa aktwal na paggawa sa trabaho o education and skill training.
Kabilang Sa Kurso Ang Mga Sumusunod:
Welding
Cake Design
Call Center Training
Computer Hardware Set Up and Configuration
Automotive
Organic Agriculture
Sa mga interesado dapat 15 taong gulang pataas ang edad na gustong makapagtapos sa pag-aaral.
Para makapag-eenroll magdala ng birth certificate, barangay clearance at report card ng huling record sa pag-aaral.
Ginagawa na ito ngayon sa 98 pampublikong paaralan sa bansa at ayon sa DepEd ito ay mas dadami pa.