All systems go na para sa darating na pagbubukas ng klase sa Lunes, October 5, 2020 para sa school year 2020-2021.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Education Undersecretary Tonisito Umali na sa ngayon iilang Self-Learning Modules (SLM) na lamang ang kailangang ipamigay sa mga estudyante.
Kasado na rin aniya ang ipalalabas na 3,120 video lessons sa 207 tv channels at 3,445 radio scripts sa 162 radio stations sa buong bansa sa mga walang acess sa internet.
Sa ngayon, umaabot na aniya sa 22.5 milyun ang nakapag-enroll sa mga pampublikong paaralan habang nasa 2.16 milyun naman sa pribadong paaralan o katumbas ng kabuuang 24.72 milyun learners ang nakapag-enroll ngayong school year.
Kasunod nito, umaasa si Umali na patuloy pang madaragdagan ang mga mag-eenroll na estudyante hanggang sa maabot ang target na higit 27 million learners.
Katwiran nito, hindi hadlang ang pandemya upang patuloy na matuto ang mga estudyante.