Hihingi ng tulong ang Department of Education (DepEd) sa Department of Health at Inter-Agency Task Force (IATF) kaugnay sa muling pagbabalik ng face-to-face classes sa gitna ng epekto ng COVID-19 variants sa Pilipinas.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, gagawin nila ito bago magpasa ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte na siyang mangungunang magdedesisyon kung ibabalik na ang face-to-face classes sa bansa.
Isa kasi aniya sa pinag-aaralang ipatupad ay ang pagbabakuna muna sa mga kabataan bago payagan ang face-to-face classes na siyang payo rin ng DOH at ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez.
Sa ngayon, pagtitiyak ni Briones, mananatili pa ring bukas ang mga paaralan para tumanggap ng mga mag-aaral sa School Year 2021-2022.
Facebook Comments