DepEd, hihingi ng tulong sa DOJ para habulin ang mga naglabas ng false claims tungkol sa module errors

Hihingi na ng tulong ang Department of Education (DepEd) sa Department of Justice (DOJ) na habulin ang mga naglalabas ng maling ulat tungkol sa errors sa Self-Learning Modules (SLMs) na ginagamit ng mga estudyante sa ilalim ng distance learning.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na nagkaroon na ng konsultasyon ang kagawaran sa DOJ para sa mga gagawing aksyon laban sa mga ito.

Iginiit ni Briones na hindi galing sa kanila ang mga maling modules pero ginagamit ang logo ng ahensya para palabasing galing sa kagawaran ang mga learning modules.


Sinabi naman ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio, pinaiigting na nila ang review process sa pamamagitan ng pagtatalaga ng karagdagang tao para i-check ang mga learning materials.

Hihingi rin ng tulong ang ahensya sa third-party evaluators para tukuyin at itama ang mga mali sa mga modules.

Sa 800,000 module pages na nagawa ng DepEd, nasa 30 mali lamang ang kanilang na-validate.

Facebook Comments