Hihingi ng tulong ang Department of Education sa mga lokal na pamahalaan sa pamamahagi ng printed learning modules sa mga estudyante kasabay ng pagsusulong ng distance learning sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, ang distance learning ay magagawa sa pamamagitan ng self-learning modules at TV at radio programs kung ang mag-aaral ay walang access sa online learing platforms.
Mahalaga rin aniya ang magiging papel ng mga magulang sa pagtuturo sa mga bata sa gitna ng pandemya.
Matatandaang inanunsyo ng Malacañang ang opisyal na pagsisimula ng enrollment ng mga public school students sa June 1, habang ang opisyal na pagbubukas ng klase ay itinakda na sa August 31 at magtatapos sa April 30, 2021.
Facebook Comments