Hihintayin ng Department of Education (DepEd) ang payo ng Department of Health (DOH) hanggang Enero 15 bago ipagpatuloy ang expanded limited face-to-face classes.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, sinusuri pa ng DOH kung ang mga lugar na itinuturing na low risk sa COVID-19 ay makapagsasagawa ng limited in-person classes.
Aniya, tinatapos din nila ang report kaugnay sa pilot phase ng mga in-person classes na isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasalukuyang nagsasagawa ang DepEd ng three-phased plan para sa unti-unting pagbubukas ng basic education school na isinara mula noong Marso 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang pilot phase na nilahukan ng halos 300 paaralan ay naganap mula noong kalagitnaan ng Nobyembre hanggang Disyembre 2021.
Matatandaang sinuspinde ng mga awtoridad sa National Capital Region (NCR) ang in-person classes matapos isailalim ang rehiyon sa Alert Level 3 kasunod ng paglobo ng COVID-19 cases.