DepEd, hindi na magpapatupad ng make-up classes sa suspensyon ngayong araw

Walang balak ang Department of Education (DepEd) na magpatupad ng make-up classes kaugnay ng ipinatutupad ngayong araw na asynchronous classes.

Ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, ang sinuspinde lamang kasi ngayong araw ay ang in-person classes.

Aniya, tuloy-tuloy pa rin naman ang klase ngayon sa online o ‘di kaya’y sa pamamagitan ng modular.


Una nang inanunsyo ng DepEd ang implementasyon ng asynchronous classes ngayong araw, para bigyang daan ang mga estudyante na tapusin ang kanilang pending school works.

Bukod ito sa obserbasyon sa back-to-back holidays sa Abril 9 at 10 o ang Araw ng Kagitingan at Eid’l Fitr.

Facebook Comments