DepEd, hindi na mapupunta sa basurahan matapos ma-recover ang P65-M sa maanomalyang ghost students sa SHS Voucher Program noong panahon ni VP Sara —Malacañang

Welcome para sa Malacañang ang na-recover na P65 million mula sa 38 mga paaralan sa bansa na kasama sa nadiskubreng maanomalyang Senior Highschool Voucher Program.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi na mapupunta sa basurahan ang Department of Education (DepEd) matapos malantad ang iregularidad.

Sa kabuuan ay may natukoy na 54 na private schools ang natukoy na kalahok sa voucher program kung saan 38 dito ay nagbigay na ng kanilang refund sa gobyerno habang may 14 pang dapat na magsauli ng pera sa pamahalaan.

Nilinaw naman ni Castro na nangyari ang anomalya sa ghost students sa panunungkulan ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng DepEd

Kung hindi pa aniya naging kalihim ng kagawaran si Secretary Sonny Angara ay baka hindi pa ito nasiyasat at mababawi ang P65 million.

Facebook Comments