Hinikayat ng Department of Education (DepEd) ang teachers, parents, at iba pang reading specialists na gumamit ng Reading Progress Tool sa kanilang orientation sa aktibidad para sa National Reading Month noong buwan ng Oktubre.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ang Reading Progress Tool ay sariling instructional application na makatutulong sa mga guro na tulungan ang mga estudyante na mapalawak pa ang kanilang kakayahang magbasa at mahasa na maengganyong magbasa ang mga estudyante na makukuha sa pamamagitan ng assignments tab sa Microsoft Teams.
Paliwanag ng kalihim, bilang mahilig rin siyang na magbasa, nais niyang ipabatid sa susunod na henerasyon na maging malawak ang kaalaman sa pagbabasa dahil malaking benepisyo ang pagbabasa kung saan ang naturang inisiyatibo ay isa na namang hakbang ng kagawaran na maging kampeon sa pagbabasa bilang haligi ng isang kalidad na edukasyon sa bansa.
Hinikayat din ni Bureau of Learning Delivery (BLD) Director Leila Areola ang teachers, supervisors, at parents na gumamit ng Reading Progress Tool na na-develop para sa inclusive learning.
Ang Reading Progress Tool ay isang Microsoft Teams built-in-tool na desenyo para suportahan ang landas ng mga mag-aaral na maging mahusay sa pagbabasa kung saan ang naturang kagamitan ay maaaring gamitin para sa K-12 emerging readers, non-native speakers, at ng hirap na hirap sa kakayahang magbasa.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Mr. Christian Catahan, Customer Success Manager mula sa Microsoft Philippines, ang nilalaman ng Reading Progress Tool ay kung papaano matutulungan ang mga guro na alalayan ang kanilang mag-aaral na maging mahusay sa pagbabasa ng babasahing Filipino at English.
Dagdag pa ng opisyal na ang naturang tool ay libre para sa lahat ng mga mag-aaral at guro kung saan wala silang dapat na gawin kundi gumamit ng DepEd-provided Microsoft account.