Hinikayat ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang mga mag-aaral na naka-online class o may mga gadgets na huwag nang gumamit ng printed Self-Learning Materials (SLMs) para sa kanilang pag-aaral ngayong pasukan.
Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na ang mga mag-aaral na naka-online o may mga gadgets ay bibigyan naman ng digitized copies ng SLMs.
Aniya, maliban na magastos ang pag po-produce ng mga printed SLMs, nakakasama pa aniya ito sa kapaligiran.
Habang umiiral ang distance learning sa bansa, isusulong umano ng DepEd na mabawasan ang pagproduce ng SLMs.
Sa gayon, sa 214 na Schools Division Offices (SDOs) sa buong bansa, 170 nito ay nag pi-print na ng mga SLM at ang 35 SDOs ay prenoproseso pa lang ang pag limbag ng mga SLM.