DepEd, hinikayat ang mga magulang at estudyante na makiisa sa ‘Brigada Eskwela’

Nanawagan ang Department of Education (DepEd) sa mga magulang at mga estudyante na tumulong at makiisa sa Brigada Eskwela na umarangkada kahapon.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, mahalagang makibahagi ang bawat isa mga nasabing aktibidad para maihanda ang mga paaralan at maiwasan ang mga sulinarin sa pagbubukas ng klase.

Nilinaw naman ni Briones, na hindi sapilitan ang pagsama sa Brigada Eskwela.


Tinatayang nasa 27 milyon estudyante sa elementarya at sekondarya ang magbabalik sa mga paaralan sa June 3.

Facebook Comments