Hinihikayat ng Department of Education (DepEd) ang mga magulang ng mga estudyanteng papasok sa Kindergarten, Grades 1, 7, at 11 na lumahok sa early registration activity na magtatagal hanggang katapusan ng buwan.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, positibo ang tugon ng karamihan sa mga magulang at mga estudyante.
Sa pamamagitan nito aniya ay naiiwasan ang sabay-sabay na pagpaparehistro.
Bukod dito, gumagamit na rin ng teknolohiya kung saan mayroong command center na naka-monitor para rito.
Sa huling datos ng DepEd, mayroong 4.3 million learners ang nakapagrehistro na.
Facebook Comments