Manila, Philippines – Hinihimok ng Department of Education (DepEd) na gawing profile picture ang logo ng Teacher’s month celebration na maaaring makukuha o ma-download sa www.deped.gov.ph.
Ito ay alinsunod na rin sa selebrasyon ng National Teacher’s Day sa Oktubre a-5.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, maaaring gamitin ng mga estudyante at ng publiko ang FB, Twitter, at Instagram upang ilagay ang mensahe ng pagmamahal, pagpapasalamat at pagkilala sa ating mga guro na itinuturing nating pangalawang magulang.
Sinabi pa ni Briones na handing-handa na rin ang kagawaran para sa pagdiriwang ng National Teacher’s Day.
Sa katunayan, ang pinakahighlight ng pagdiriwang ay ang pagsasama-sama ng mahigit sa 5,000 mga guro mula sa iba’t ibang lugar sa bansa at magtitipon sa Legazpi, Albay sa October 5.
Kung saan iba’t ibang aktibidad ang isasagawa bilang pagpupugay sa sakripisyo at serbisyo ng ating mga guro.
Ang tema ng Teacher’s Day ngayong taon ay “Guro na Filipino, kaakbay sa ating progreso.”