Inaasahang mas lalaki pa ang kakailanganing budget ng Department of Education (DepEd) sa mga darating na taon kaugnay sa mga pagbabagong dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Undersecretary Jesus Mateo, hindi lang personal services ang lalaki maging ang karagdagang guro at suporta gaya ng I.T. personnel dulot ng new normal.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mayroon ng free WiFi ang nasa 78 public schools kaugnay ng isinusulong na blended at flexible learning.
Samantala, nilinaw naman ng DepEd na kailangan munang makipag-ugnayan ang mga pribadong paaralan sa mga magulang kaugnay ng pagtaas ng tuition at miscellaneous fees.
Kinakailangang pa ring magsubmit ang mga ito ng learning continuity plan kung saan nakabase ito sa napag-usapan nila kasama ang mga magulang.