DepEd, iginagalang ang desisyon ni Pangulong Duterte na ipagbawal muna ang face-to-face classes

Binawi na ng Department of Education (DepEd) ang request nitong magsagawa ng pilot implementation ng limited face to face classes sa mga estudyante sa basic education level.

Ito ay matapos hindi tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposal at iginiit na ayaw nilang ilagay sa alanganin ang buhay ng mga estudyante ngayong may pandemya.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nirerespeto nila ang pasya ni Pangulong Duterte at tinatanggap nila ito.


Binigyang diin ni Briones na konektado ang edukasyon at ekonomiya kaya ito ang isa sa kanilang pinagbatayan para muling ibalik ang limited face-to-face classes.

Kalusugan ng 27 milyong kabataan at 847,000 na guro ang nakasalalay dito.

Ang DepEd ay naghahanda para sa pilot implementation ng limited face-to-face classes sakaling bumuti ang sitwasyon.

Nasa 1,900 schools ang kwalipikado para sa pilot testing ng limited face-to-face classes.

Facebook Comments