Iginiit ng Department of Education (DepEd) maraming opsyon ang puwedeng pagpilian ng mga magulang at estudyante pagdating sa learning delivery modalities.
Ito ang inihayag ng kagawaran matapos umani ng reklamo mula sa mga magulang na nahihirapan sa online learning para sa kanilang mga anak.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang blended learning ay hindi nangangahulungang online lamang ang paraan ng pagtuturo.
Aniya, hindi lamang ang online ang tanging sagot para maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante.
Maliban sa online, ang iba pang learning modalities na maaari nilang subukan tulad ng telebisyon, radyo, at printed modules.
Ang pormal na pagbubukas ng klase ay sa October 5, 2020.
Facebook Comments