DepEd, iginiit na kailangan ng suporta para magtagumpay ang blended learning

Nanawagan ang Department of Education (DepEd) sa publiko lalo na sa mga magulang, guardians at sa mga komunidad na suportahan ang blended learning.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ikinonsidera nila ang capacity at competencies ng mga magulang o guardians nang binuo nila ang Basic Education – Learning Continuity Plan (BE-LCP).

May mga itinayong parent academies sa ilang lugar sa bansa para mabigyang kaalaman ang mga magulang sa iba’t ibang paraan ng pagtuturo.


Sinabi naman ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla na mapapadali ang transition patungong blended o distance learning kung susuportahan ito ng lahat.

Bago ang pagbubukas ng klase noong October 5, ang DepEd ay nagsasagawa na ng orientation at briefing sa mga magulang.

Sa datos ng DepEd, nasa 12,665,589 parents at guardians ang sinanay para sa distance learning modalities.

Ang DepEd ay nagha-hire din ng Learning Support Aides (LSAs) katuwang ang mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments