Batid ng Department of Education (DepEd) na hindi sapat ang 300 pesos na buwanang reimbursement para sa communication expenses sa kanilang mga tauhan.
Noong Nobyembre, naglabas ang DepEd ng guidelines na nagbibigay ng awtorisasyon sa pagbabayad ng communication expenses sa kanilang mga tauhan na may kinalaman sa pagpapatupad ng alternative work arrangements para sa taong 2020.
Ang payment para sa communication expenses sa ilalim ng work from home arrangement ay sakop ang March 16, 2020 hanggang December 31, 2020.
Nananawagan ang DepEd ng pang-unawa dahil mayroon silang limitasyon lalo na sa paglalabas ng pondo.
Iginiit ng DepEd na hindi sila maaaring maglabas ng reimbursement bilang allowance lalo na at walang basehan para sa paglalabas nito at mayroong oversight sa mga ahensya gaya ng Department of Budget and Management (DBM) at Commission on Audit (COA).