DepEd, iginiit na nailalabas sa tamang oras ang benepisyo ng mga guro

Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na nasa tamang oras pa ring naibibigay sa mga public school teachers ang kanilang benepisyo tulad ng allowances at compensation sa harap ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nananatiling ‘on time’ ang pagbibigay ng compensation at allowances sa mga guro.

Iginiit ng kalihim na “walang utang” ang kagawaran lalo sa paghahatid ng benepisyo sa mga guro dahil batid nilang kinakailangan nila ito.


Inaprubahan din ni Sec. Briones ang “flexibility” at “leniency” sa clothing allowance para magamit ng mga guro ito sa kanilang personal na pangangailangan o sa pagtuturo.

Facebook Comments