DepEd, iginiit na wala silang “no failing policy”

Binigyang linaw ng Department of Education (DepEd) na wala silang polisiya hinggil sa mungkahi ng ilang mambabatas na huwag ibagsak ang mga estudyante habang isinasagawa ang distance learning.

Nabatid na nanawagan si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Senator Bong Go na ipasa ang lahat ng estudyante para maiwasan ang stress at pressure sa mga kabataan sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, hindi pa sila dumating sa puntong gagawa ng polisiya na pasado ang lahat ng mga estudyante.


Iginiit ni Briones ang learning continuity para sa mga mag-aaral.

Sinabi naman ni Education Assistant Secretary Alma Torio, inihahanda ng kagawaran ang interim guidelines para sa assessment ng student’s progress sa nalalapit na school year.

Ang interim guidelines ay ilalabas pagkatapos ng konsultasyon sa regional directors.

Facebook Comments