Kasabay ng nakatakdang full implementation ng face-to-face classes sa Nobyembre, kinakalap na ng Department of Education (DepEd) ang mga data ng mga paaralan na nagpapatupad ng blended learning.
Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, ang report na ito ay kanilang isusumite kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Oras na maibigay na aniya ito sa pangulo, nasa kaniyang pagpapasya na kung ano ang kaniyang magiging susunod na hakbang para dito.
Kasabay nito, sinabi ni Poa na pinakamalaking accomplishment ng DepEd sa pamumuno ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio ang pagbabalik ng learners o mag-aaral sa paaralan.
Patunay aniya na unti-unting nakababawi ang bansa sa sektor ng edukasyon matapos maitala ang mataas na bilang ng mga estudyanteng hindi nakapag-aral noong nakaraang taon.