DEPED ILOCOS, PUSPUSAN ANG PAGHAHANDA PARA SA PALARONG PAMBANSA 2025

Puspusan ang paghahanda ng Department of Education (DepEd) Region I para sa Palarong Pambansa 2025 na gaganapin sa rehiyon.

Ayon kay DepEd Ilocos Assistant Regional Director Rhoda Razon, sinimulan na ang proseso ng procurement para sa mga kinakailangang kagamitan at pasilidad na gagamitin sa naturang pambansang palaro.

Bukod dito, aktibo rin ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Norte at Office of the Civil Defense upang tiyakin ang kahandaan sa anumang mga hamon na maaaring harapin sa pagsasakatuparan ng aktibidad. Kabilang sa mga pangunahing hakbang ang inspeksyon at pagtatakda ng mga pasilidad na magsisilbing venue ng iba’t ibang laro.

Tinitiyak na magiging maayos, ligtas, at akma ang mga lugar para sa mga kalahok at manonood.

Ang Palarong Pambansa 2025 ay inaasahang magaganap mula Mayo 24 hanggang Hunyo 2, 2025. Sa nasabing kaganapan, inaasahang dadalo ang mga atleta, coach, at opisyal mula sa 17 rehiyon ng bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments